Tumutula ang isang manunulat
sapagkat may mga salitang
'di kayang ibakat sa papel.
Mga salitang 'di kayang ibigkas,
mga damdaming nagpupumiglas
ngunit ayaw ipadama,
ayaw ipaunawa.
Tumutula ang isang tao dahil
ibig niyang ipahiwatig
sa wika ng makata
ang 'di kayang sabihin ng karaniwang wika.
Mga salitang tanging para sa tula lamang,
mga salitang ubod ng tamis.
Tumutula tayo
sa pait ng ligaya,
sa ligaya ng kamatayan
at sa kamatayan ng ligaya.
Tumutula ako dahil ako ay umiibig,
umiibig sa aking bayan,
sa kapwa ko kabataan,
sa kapayapaan at tunay na kalayaan.
Umiibig ako sa'yo.
Oo, ikaw at wala ng iba.
Tumutula ako para s